Matapos ang dalawang taon, muling mapapanood sa GMA 7 via Dramarama sa Hapon series, ang isa sa mga pinakamahusay na young actress sa bansa ngayon, si Alessandra de Rossi.
Si Alessandra ang magiging pangunahing kontrabida sa Sentensiyada, na pangungunahan naman nina Bianca King at Dennis Trillo.
First time din na magbibida si Bianca sa isang series matapos ang seven years na pagiging Kapuso talent.
May pagka-heavy drama ang Sentensiyada, kaya dapat abangan kung papaano pahihirapan ni Alessandra ang karakter na gagampanan ni Bianca.
Umalis si Alessandra sa bakuran ng Kapuso noong 2008 at lumipat sa kabilang network matapos niyang tanggihan na maging kontrabida sa dating primetime soap na La Lola, na pinagbidahan ni JC de Vera at Rhian Ramos.
Huling napanood sa Kapuso Network si Alex (nickname ni Alessandra) sa Kamandag na pinagbidahan ni Richard Gutierrez.
Nakasama rin siya sa iba pang project sa GMA 7 katulad ng Darna, Etheria: Ang ika-Limang Kaharian ng Encantadia, Now and Forever: Linlang, at Super Twins.
Kabilang si Alex sa mga pinakabatang nanalo ng Best Supporting Actress award sa FAMAS. 16-years-old lang siya nang mapanalunan ni Alex ang naturang award para sa kanyang pagganap sa movie na Azucena noong taong 2000.
Source: http://www.gmanews.tv/story/221620/entertainment/alessandra-de-rossi-balik-kapuso-via-sentensiyada