.:[Double Click To][Close]:.

Ynez Veneracion on Gov. Toto Mangudadatu: 'Close kami. Mabait kasi siya.'

Wanted: Internet workers. Earn $1500-2500/month working part time on internet.

Dear Friends, Are you interested in making $1500 to $2500 per month with a part time job? This is not a get rich quick scheme. This is a legal opportunity to earn money online when you do it as a part time job. This opportunity is a proven way to make $1500 to $2500 per month, no matter where you live. There are already 1,200,000 people around the world who grabbed this opportunity and are making tons of money every month. If you are interested to know more about this opportunity, visit Part Time Jobs

Pagkatapos mawala ng ilang buwan, lumitaw na rin si Ynez Veneracion nang dumalo ito sa story conference ng bagong programang Ang Munting Heredera ng GMA-7 Telebabad nitong Biyernes.

Kaagad na sinalubong ang dating sexy actress ng tanong tungkol sa balitang pagbubuntis umano nito na kaagad niyang itinanggi.

Na-link si Ynez kay Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu at sa kainitan ng isyung iyun biglang nawala ang aktres dahil buntis daw ito.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ynez nang pumutok ang balitang iyun pero tumanggi na itong magsalita. Nangako lang ito na magbibigay siya ng statement sa tamang panahon.

Patuloy itong pina-follow up ngunit hindi na sumasagot si Ynez sa aming tawag.


Nitong Biyernes lang uli siya nagpakita at proud na proud sa kanyang pagiging payat. Paano raw siya nabuntis kung sexy pa rin siya?

"Tingnan niyo ang payat ko ‘di ba? Sabi nila seven to eight months buntis daw ako," ayon kay ni Ynez.

Kaya raw siya nawala nang matagal-tagal dahil gusto niyang maiwasan ang mainit na kontrobersyang kinasangkutan niya.

"Medyo nagpahinga muna ako sa dami ng isyung nakakabit. Sabi ko magtatago na muna ako. Pumunta muna ako sa Dubai. Nagpunta ako ng Guam, nag-show muna ako dun tapos nang bumalik ako dito, siyempre after the show kailangan nang pagpahinga," pahayag ng aktres.

Pagdating sa isyung pagkakaroon nito ng relasyon sa Maguindanao governor, malabo ang sagot ng aktres kung talaga bang naging sila o hindi.

Ayon sa aktres; "Yung Governor, oo, we're friends, " sabay bitaw nang malakas na halakhak.

"Friends, alam mo naman, ganun talaga. Close kami. Mabait kasi siya. Sobra. Sa lahat naman ng artista na name-meet niya ganun siya e. Sa akin masyado siyang mabait.

"Special? Itatanong ko sa kanya, special ba? Hindi! Tingin ko naman kasi kumbaga nagtrabaho ako sa kanya dun sa kanila, tapos dun na nag-umpisa. Kung minsan nagkikita-kita pag nandito siya hanggang ngayon naman mabait siya!" aniya.

Hindi rin niya masagot nang maayos kung posibleng na-involve siya romantically sa naturang pulitiko.

"Para sa akin, hindi. Pero siyempre yung mga, alam mo yun. Kaya lang hindi pa rin talaga ready dahil unang-una, alam mo yun, meron pa siyang kinakaharap, di ba?

"So sinabi ko rin sa kanya na hindi ka pa ready, hindi naman ako ready. Mas maganda na yung ganito na lang, di ba? Kumbaga magkaibigan tayo, close tayo, minsan kumakain sa labas. Okey na yun sa amin," sagot ni Ynez.

Kung sakaling maging sila, hindi naman daw siya agree na magpakasal dahil sa kultura raw ng mga Muslim na posibleng magkaroon ng maraming asawa.

"Isa rin yun sa reasons kung bakit ayoko. Sinabi ko sa kanya yun, nung medyo nagpu-propose na. Sinabi ko na parang hindi yata ako okay. Sabi ko, kasi nga, nga Muslim di ba? Kapag nagkaroon na ng asawang iba, siyempre, masasaktan ako.

"Tingin ko ang hirap, Muslim kasi yan e. Di ba sila, as long as kaya nilang suportahan yung mga asawa, di ba kumbaga, may una, pangalawa, pangatlo? So ako, ayaw naman natin ng ganun di ba? Parang gusto naman natin [to be] the only one, hindi lang No. 1, but the only one," ayon sa kanya.

Magkaibigan pa rin daw sila hanggang ngayon at may komunikasyon pa rin daw sila. Pero hindi raw totoong tumira ito sa Maguindanao.

"Matigok tayo dun! Hindi ako dun nakatira... Kasi based ako sa Manila," bulalas nito.

Nagpapasalamat na lang si Ynez sa GMA-7 dahil binigyan daw ito ng pagkakataong makabalik sa trabaho.

May mahalagang papel daw siya rito sa Ang Munting Heredera kasama sina Mark Anthony Fernandez, Carmina Villarroel, Katrina Halili, Camille Prats, at Ms. Gloria Romero.

Source: http://www.gmanews.tv/story/217378/entertainment/pep-ynez-veneracion-on-gov-mangudadatu-close-kami-mabait-kasi-siya